^

PM Sports

Miami, Boston una pa rin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nanatili ang Boston Celtics at Miami Heat sa liderato matapos igupo ang kani-kanilang kalaban nitong Lunes sa NBA.

Sa Miami, nawala ang headband ni LeBron James at nagkaproblema ang kanyang kaliwang bukung-bukong pero hindi ito nakapigil sa kanya para kumamada ng 30-points, 9-rebounds at 9-assist sa 117-94 panalo ng Miami Heat kontra sa Utah Jazz.

Nagdagdag naman si  Dwyane Wade ng 27 points para sa ika-18-panalo ng Miami kontra sa 6-laro para manatili sa liderato ng Southeast division.

Maganda ang naging shooting ng Miami na komonekta ng 63.4%  sa pangunguna ni James na may 13-of-17 field goals shooting.

Sa Boston, sinabihan ni  Celtics coach Brad Stevens si forward Jared Sullinger na bantayang mabuti si Kevin Love para matuto.

Sa loob ng isang quarter, binigyan ng leksiyon ni Sullinger ang Minnesota all-star.

Nagtala si Sullinger ng 15 points at six rebounds sa fourth quarter kabilang ang tie-breaking 3-pointer, may 2:22 minuto na lang ang natitira nang igupo ng Celtics ang Timberwolves 101-97.

Tumapos si Sullinger,  second-year player na ‘di nakalaro sa halos kalahati ng nakaraang season ng 24 points at 11 rebounds bukod pa sa career-high na five assists.

 

BOSTON CELTICS

BRAD STEVENS

DWYANE WADE

JARED SULLINGER

KEVIN LOVE

MIAMI HEAT

SA BOSTON

SA MIAMI

SULLINGER

UTAH JAZZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with