^

PM Sports

Up And Away nakadale

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Up And Away ang kanyang pinakamala-king panalo sa 2013 nang dominahin ang apat na kaba-yong Philtobo Juvenile Fillies na isa sa  malaking karerang pinaglabanan sa 14th PHILTOBO Grand Championships kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Mark Alvarez ang hinete ng kabayo sa ikalawang sunod na takbo at hindi naubos ang Up And Away sa 1,600-metro karera at maibulsa ang P580,000.00 unang gantimpala sa P1 milyong isinahog ng Philtobo.

Ang napaborang Love na Love ni Jeff Zarate na tumawid sa ikalawang puwesto bago pumasok The Lady Wins ni Pat Dilema. Kinumpleto ng Newton’s Gal ni JB Cordova ang datingan ng mga lumahok.

Huling takbo ng Up And Away ay noong Disyembre at pumangatlo ang kabayong diniskartehan na ni Alvarez.

Ang tagumpay ay nagsantabi sa pangatlong puwestong pagtatapos sa 4th Leg ng Phiracom Juvenile Fillies noong Oktubre 20 sa pagdiskarte ni Dominador Borbe Jr.

May P17.00 ang ipinamahagi sa win habang ang 2-3 forecast ay naghatid ng P34.00 dibidendo.

 

vuukle comment

DOMINADOR BORBE JR.

GRAND CHAMPIONSHIPS

JEFF ZARATE

LADY WINS

PAT DILEMA

PHILTOBO JUVENILE FILLIES

PHIRACOM JUVENILE FILLIES

SANTA ANA PARK

SI MARK ALVAREZ

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with