Hindi lang sana 3 ang gold ng boxers
NAY PYI TAW – Pagnanakaw sa gitna ng sikat ng araw.
Ganito inilarawan ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson nang makapag-uwi lamang ng tatlong gold ang mga boxers sa 27th Southeast Asian Games.
Ayon kay Piczon, 5 hanggang anim sana ang nakuha ng mga Pinoy pugs ngunit dahil sa mga hometown decisions, nabigo silang dominahin ang boxing competitions na nagtapos noong Sabado ng gabi sa Wunna Theikdi Indoor Stadium dito.
Binanggit niya ang nakakayamot na pagkatalong natikman ni flyweight Rey Saludar sa semis gayundin nina bantamweight Nesthy Petecio at welterweight is Wilfredo Lopez sa finals laban sa mga Burmese opponents.
Lamang na lamang si two-time Asian Games gold medalist Saludar sa score sheet kontra sa kanyang kalabang pambato ng host Myanmar ngunit nagtamo ito ng maliit na sugat sa kilay na nagbigay ng dahilan para tingnan ng doctor na itinigil ang laban at idineklara ang pambato ng Myanmar na panalo.
Dahil dito, tanging sina Mark Barriga, bantamweight Mario Fernandez at women’s light flyweight Josie Gabuco ang nakapagsubi ng gold medal para kapusin ng isa ang ABAP na pantayan ang kanilang produksiyon sa Indonesia, dalawang taon na ang nakakaraan.
“I’m not satisfied with our performance. It could have easily been five to six gold medals for us,†sabi ni Picson. “It was unfair to us, to the federation and our players. All our efforts went to naught. I was very disappointed.â€
Maraming naging kontrobersiyal na resulta sa boxing competition ng SEA Games at sa katunayan noong 2007 SEA Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand, isinuko ng 12 Filipino boxers ang gold medal na hindi man lang sumusuntok para ipakita ang kanilang protesta sa Thailand na diumano’y nagmamanipula ng mga resulta ng laban.
- Latest