Matapos magposte ng matayog na 5-0 record: National cagers abot-kamay na ang gintong medalya
MANILA, Philippines - Nabuhay ang laro ng men’s basketball team sa second half para ang dikitang labanan sa unang 20 minuto ay nauwi sa 83-52 paggiba ng Sinag Pilipinas kontra sa Indonesia sa 27th SEA Games men’s basketball tournament kahapon sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
May 7 points si Kevin Ferrer, habang nagsanib sa 10 puntos sina Kevin Alas at Bobby Ray Parks, Jr. para tulungan ang NaÂtioÂnals sa 27-9 palitan sa ikatlong yugto at ilayo na ang koponan sa 67-43.
Bago ito ay relaks na nagÂlaro ang tropa ni coach Jong Uichico upang magkatabla nila ang Indons sa first period, 18-18, at nalamangan lamang ng anim sa halftime, 40-34.
Ito na ang ika-limang sunod na panalo ng koponan at kailangan na lamang talunin ang Malaysia ngayon sa pagtatapos ng kanilang asignatura para kunin ang ika-16 gintong medalya sa men’s basketball.
Tumapos si Ferrer bitbit ang siyam na puntos at ang kanyang tres at dalawang jumpers ang nakaÂtulong sa 22-7 palitan para hawakan ng Pambansang koponan ang 62-41 kalamangan.
Si Marcus Douthit ang nanguna sa koponan sa kanyang 11 puntos at 11 rebounds, habang si RaÂvena ay may 10 puntos.
Si Mark Belo ay may siyam at sina Alas, Matt GaÂnuelas at Jake Pascual ay nagdagdag ng tig-walong puntos.
Hindi katulad sa naÂkaÂÂraang laro laban sa Thailand, malamig ang shooting sa 3-point line ng koponan matapos ang pagkakaroon lamang ng 3-of-14 bago nakabawi sa second half.
- Latest