Petecio biktima ng ‘hometown decision’
NAY PYI TAW -- Naging biktima si Nesthy Petecio ng tinatawag na ‘hometown decision’.
Ito ang opinyon ng mga boxing officials matapos matalo si Petecio kay Ngwe Ni Oo ng Myanmar, 37-39, 37-39, 38-38, sa gold medal round ng women’s feaÂtherweight event sa 27th Southeast Asian Games dito kahapon.
Malinaw na mas nakakonekta si Petecio, nakakuha ng world title sa 2013 China Open, kumpara kay Ngwe.
Sa pagtatapos ng third round, nagtungo si Ngwe sa kanÂyang corner na tila pagod na pagod.
Ngunit nang itaas ng referee ang kamay ni Ngwe ay nagulat ang mga manonood.
Habang nagdiriwang ang mga Burmese ay ipinaÂkita naman ni Petecio ang kanyang muscle sa pagpapaÂramdam na hindi siya apektado ng desisyon.
“Naluto na naman tayo. Ginto na naging bato pa,†wiÂka ni coach Nolito Velasco sa naunang nangyari kay two-time Asian Games gold medalist Rey Saludar sa isang Burmese fighter sa semifinals ng men’s flyweight class noong 2011.
“Halatang-halata naman na si Nesthy ang nanalo. LaÂhat ng tao sa venue alam na siya ang panalo. Pero ganun talaga eh. Wala na tayong magagawa diyan,†dagdag pa nito.
- Latest