^

PM Sports

Laban ni Ranola alay sa yumaong tatay

Pang-masa

NAY PYI TAW – Mas lalong naging determinado si Iris Ranola na manalo sa billiards competitions ng 27th SEA Games.

Ang huling habilin ng kanyang yumaong ama ang nasa isip ngayon ni  Ranola sa pagsisimula ng kanyang pagdedepensa ng titulo 9-ball pool singles sa Theikdi Stadium.

Sasalang naman si Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco dela Cruz sa carom one-cushion, habang si world champion Rubilen Amit ay lalaban sa 9-ball singles na magsisimula ng quarterfinals  sa alas 9 ng umaga na susundan ng semifinals sa ala-una at tatapusin na rin ang finals  na sisimulan sa alas-3 p.m.

Ngunit nakatuon ang lahat ng mata kay Ranola dahil nagluluksa ito sa pagkamatay ng kanyang ama noong isang araw lamang.

“Ang sinabi niya sa akin last time na magkita kami, ‘Lumaro ka,’” kuwento ni Ranola. “Kaya tatapusin ko ito (laban) at ang bawat laro ko ide-dedicate ko sa kanya.”

Nag-alay ang mga opisyal ng misa para sa tatay ni Ranola’ sa alas-5 ng hapon sa Biyernes at inaayos na rin ang kanyang ticket para makabalik agad sa Manila at diretso ng Zamboanga City para makahabol sa li-bing ng kanyang ama sa Dec. 23.

Pumanao si Emilio Ranola matapos ang 12-taong pakikipaglaban sa throat cancer noong Miyerkules habang bumibiyahe si Iris kasama ang kanyang mga teammates patungo dito sa Myanmar.

Nang makarating sa kanya ang balita noong Huwebes ng umaga, lubhang nalungkot si Ranola.

BATA

BIYERNES

CRUZ

EMILIO RANOLA

IRIS RANOLA

RANOLA

RUBILEN AMIT

THEIKDI STADIUM

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with