^

PM Sports

Determinado ang mga Pinoy paddlers

Pang-masa

NAY PYI TAW -- Mga bagito pa sila sa labanan pero determinado ang mga Filipino paddlers na makapanggulat sa kanilang pagsabak sa canoeing competitions ng 27th Southeast Asian Games ngayong araw sa Ngalike Dam.

Ito ang unang SEA Games ni Hermie Macaranas na lalahok sa C1 men’s 200m, 500m at 1,000m, habang sasabak naman sa ikalawang pagkakataon si Alex Gene-ralo sa K1 men’s 200m.

Matapos ang magandang pagpapakita sa Phi-lippine National Games, nakapasa sina Macaranas at Generalo bilang mga token delegates sa kompetis-yong inaasahang dodominahin ng host country.

Pinalaki ng organizers ang bilang ng events sa 16 para bigyan ng malaking tsansa ang mga host athletes para sa overall crown.

“They may have all the advantages, but they cannot discount our determination and will to win,” sabi ni Filipino canoeing coach Christian Abejar.

“Our hard work in training should compensate for our lack of expe-rience. We’ve already seen our opponents and all I can say is that we can easily beat them. I believe in my athletes.”

 

ALEX GENE

CHRISTIAN ABEJAR

GENERALO

HERMIE MACARANAS

MACARANAS

MATAPOS

NATIONAL GAMES

NGALIKE DAM

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with