^

PM Sports

Tulu-tuloy ang panalo ng Rendezvous

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magandang takbo ng kabayong Rendezvous nang nasama ito sa mga nanalo noong Huwebes ng gabi sa bakuran ng MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Si Reynaldo Niu Jr. ang dumiskarte sa nanalong kabayo sa class division 1A sa 1000-metro distansya at hindi binigyan ng tambalan ang anumang pagkakataon ang walong iba pang katunggali matapos dominahin ang karera mula sa pagbukas ng aparato.

Ang Lap Of Luxury na hawak ni Jonathan Hernandez ang pumangalawa pa kahit nasa bugaw ito sa pagpasok sa rekta.

Nagkamit ang mga tumaya sa Rendezvous ng P8.50 sa win habang ang 1-4 forecast ay nadehado pa sa ibinigay na P47.50.

Nakadalawang dikit din ang Palakpakan at Cataleya sa ibang resutla ng takbo.

Pinangatawan ng Pa-lakpakan ang pagiging outstanding favorite matapos mapagtiyagaan ng kaba-yong sakay ni Hernandez ang pagtugis sa naunang lumayo na Saint Tropez ni Pat Dilema at makuha ang panalo sa 1,200-metro class divison 2 race.

Umagwat ng halos apat na dipa sa kaagahan ng karera ang Saint Tropez pero naglakad ang kaba-yong binigyan ng pinakamabigat na handicap weight na 58 kilos sa rekta.

Sa huling 150-metro ay naagaw na ang kalamangan ng puting kabayo at nanalo pa ng halos tatlong dipa sa meta.

Balik-taya ang win ng Palakpakan na tumakbo bitbit ang 57 handicap weight habang nasa P24.00 ang 4-2 forecast.

Si Mark Alvarez ang humawak sa Cataleya na dinaig ang kabayong Ingitero sa 3YO Handicap Race sa 1400-metro distansya.

Galing ang Cataleya sa panalo sa Grand Mighty noong Nobyembre 25 pero di napaboran upang  maghatid ng P35.00 sa win habang P248.50 ang ipinamahagi sa 2-3 forecast.

vuukle comment

ANG LAP OF LUXURY

CATALEYA

GRAND MIGHTY

HANDICAP RACE

JONATHAN HERNANDEZ

PALAKPAKAN

PAT DILEMA

SAINT TROPEZ

SI MARK ALVAREZ

SI REYNALDO NIU JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with