^

PM Sports

Aithusa namayagpag sa 2YO Maiden Division

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumaripas ng takbo ang Aithusa mula sa back stretch para makapagtala ng kumbinsidong panalo sa 2YO Maiden Division noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si RO Niu Jr. ang pinagdiskarte sa pagkakataong ito sa kabayo at inunahan nito ang nagkukumahog na Señorita Rita na  naiwanan ng halos apat na dipa.

Nahigitan ng Aithusa ang pangalawang puwes-tong pagtatapos sa huling takbo na diniskartehan pa ni EL Blancaflor.

Ang napaborang Elusive Ride ay tumapos lamang sa pangatlong puwesto bago tumawid ang Spectacular Tiks.

Nakauna ang Aspire Magic bago sinundan ng Spectacular Tiks, Señorita Rita at Aithusa pero inilabas ni Niu ang kabayo at dito ay humataw na nang humataw tungo sa kumbinsidong panalo ng third choice sa bentahan.

May dibidendong P13.50 pa ang ibinigay sa win habang ang 5-4 forecast ay nagbigay ng P85.50 panalo.

Nakapagpasikat din ang apprentice jockey na si JD Juco nang ipanalo ang dehadong Oh Mins-trel sa class division 1A karera.

Galing ang kabayo sa magandang kampanya sa nakaraang buwan ng Nobyembre matapos ang pangatlo at dalawang segundo puwestong pagtatapos sa salitang pagdadala nina AL Gamboa at EM Raquel.

Si Juco ang pinagdiskarte sa pagkakataong ito at naipakita niya ang abilidad nang manalo ang kabayo sa Exotic Flavor ng sakay ni NK Cali-ngasan.

Longshot ang kabayo sa gabi at naghatid ng P35.50 sa win habang ang 6-5 forecast ay may P69.00 dibidendo.

 

vuukle comment

AITHUSA

ASPIRE MAGIC

ELUSIVE RIDE

EXOTIC FLAVOR

MAIDEN DIVISION

NIU JR.

OH MINS

SAN LAZARO LEISURE PARK

SPECTACULAR TIKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with