MANILA, Philippines - Nangako ang Philippine Women’s Football Team na kilala bilang ‘Malditas’ sa kanilang ginawang courtesy call kay Globe Telecom president at CEO Ernest Cu na mag-uuwi ng medalya sa 2013 Southeast Asian Games para sa mga survivors ng bagyong ‘Yolanda’.
Sinabi ni Malditas coach Ernie Nierras na handa sila at determinadong lumaban at iaalay ang kanilang mga laro sa mga nasalanta ng bagyo.
“We trained so hard for the SEA Games and the recent calamity only motivated us more to win for eve-ryone in the Central Visayas,†wika ni Nierras.
Ayon naman kay Cu, palaging nakahandang tumulong ang Globe Telecom sa pagkatawan ng Malditas sa bansa sa 2013 SEA Games sa Myanmar. “Their dedication to win for the country in the SEA Games will serve as an inspiration to many of our ‘Kababa-yans’ especially those who are severely affected by super typhoon Yolanda,†wika ni Cu.
Idinagdag pa ni Cu na bilang brand ambassadors ng Globe Telecom, dadalhin ng Malditas ang Bangon Pinoy spirit para sa muling pagbangon ng Central Visayas.
“After the SEA Games, the Malditas volunteered to help us in re-erecting the houses in Ormoc City, Leyte thru our partnership with Gawad Kalinga,†sabi ni Cu.
Ang Malditas, kasama ang Philippine Futsal Team na kilala bilang ‘Musang’, Green Archers United sa United Football League (UFL) at De LaSalle University (DLSU)-Greenhills Football Varsity Team ay sinusuportahan ng Globe na siyang pinakamalaking stakeholder ng football sa bansa.