^

PM Sports

PBA D-League Aspirant’s Cup 4 teams nais makabangon

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bubuhayin pa ng apat na koponan na nakalugmok sa ilalim ng team standings ang kampanya sa pag-asinta ng mahala-gang panalo sa pagpapa-tuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang magtutuos ang Arellano University at Boracay Waves sa ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ang pagkikita ng Derulo Accelero at Wang’s Basketball dakong alas-4.

May tig-dalawang panalo na ang Waves at Couriers habang isa pa lamang ang nakukuha ng Chiefs at Oilers kaya’t kailangan ng mga ito na manaig upang makahabol sa anim na koponang aabante sa susunod na yugto.

Hindi inaasahan na malalagay sa ganitong puwesto ang tropa ni coach Lawrence Chongson dahil nagpalakas sila noong off-season at nakuha pa ang mahusay na Fil-Italian  na si Chris Banchero.

Ngunit dahil mara-ming bago sa koponan, wala pa ang team chemistry dahilan para sa mahinang panimula.

Si Banchero (12.9 puntos at 5.8 assists) ang huhugutan ng lakas ng Waves ngunit dapat  na kuminang ang bench dahil wala ang kanilang leading scorer na si Mark Belo (14.8 puntos) na nakasama ng National men’s basketball team na umalis kahapon para maglaro sa Myanmar SEA Games.

Asahan naman na ibayong laro pa ang makikita sa Oilers matapos kunin ang kauna-unahang panalo laban sa Chiefs, 82-75.

Si Raul Soyud na gumawa ng 22 puntos at 23 rebounds para magkaroon ng averages na 15.7 points at 10.6 rebounds, ang puwersa ng tropa ni coach Paolo Mendoza. (AT)

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

BORACAY WAVES

CHRIS BANCHERO

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

LAWRENCE CHONGSON

MARK BELO

PAOLO MENDOZA

PASIG CITY

SI BANCHERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with