MIAMI – Isa lamang regular na laro at hindi isang playoff series.
Sa kabila nito, nakamit na ni Brandon Jennings ang kanyang inaasam na panalo kontra sa Miami Heat.
Isinalpak ni Jennings ang 3-pointer para pigilan ang pagbangon ng Miami sa huling 4:09 at inagawan ng bola si LeBron James para pangunahan ang Detroit Pistons sa 107-97 panalo laban sa Heat.
Winakasan ng Detroit ang 10-game winning streak ng two-time NBA champions na Miami.
Umiskor si Kyle Singler ng 18 points para pamunuan ang pito pang Detroit players na may double figures.
Humakot si center Andre Drummond ng 18 rebounds, habang tumipa sina Greg Monroe at Rodney Stuckey ng tig-16 markers para sa Pistons.
“We had a lot of good performances from a lot of people,†sabi ni Pistons coach Maurice Cheeks. “Then we just held our composure because we knew that at some point they’d make a run. Brandon made that big 3 and we were able to hold on. When Brandon hit that big 3, it kind of settled us down a little bit.â€
Humabol ang Miami mula sa 18-point deficit at nakalapit sa tatlong puntos matapos ang dunk ni James sa gitna ng fourth period.
Naimintis ng Heat ang kanilang tatlong sunod na tirada, ang dalawa dito ay sa 3-point line na nagtabla sana sa laro, bago kumonekta si Jennings ng isang tres para ilayo ang Detroit sa anim na puntos.
“Just the way the game goes,†wika ni Heat guard Norris Cole na dumepensa kay Jennings. “He made a big shot. Just got to tip your hat.â€
At mula dito ay hindi na nakadikit pang muli ang Heat. Muntik na nila itong magawa nang suma-laksak si James sa huling dalawang minuto, ngunit naagawan siya ng bola ni Jennings na nagresulta sa basket ni Monroe.