^

PM Sports

Cagayan, Cignal pasok sa semis ng PSL Grand Prix

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga seeded teams na Cagayan Valley at Cignal ang kanilang estado nang talu-nin ang mga nakalaban sa quarterfinals ng Philippine Super Liga (PSL) women’s Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Sa unang set lamang ginamit ng Lady Rising Suns ang Thai import na si Wanida Kotruang pero hindi nakaapekto ito sa hanap na panalo dahil naglaro nang husto ang mga locals na sina Angeli Tabaquero at Aiza Maizo-Fontillas para ibigay ang 25-21, 25-18, 15-25, 25-9 panalo laban sa baguhang RC Cola.

May 14 at 13 hits sina Tabaquero at Maizo-Fontillas at mahusay silang nakipagtulungan sa isa pang Thai import na si Patcharee Saengmuang na may 19 puntos upang makapasok ang third seed sa torneo sa semifinals.

“Kontrolado namin ang laro kaya mas mabu-ting ipahinga muna si Kotruang para sa mas mahalagang laro sa Sabado,” wika ni Lady Rising Suns coach Nestor Pamilar.

Si Kotruang ay may iniindang muscle spasm sa kanang tuhod.

Hindi naman nagpaiwan ang fourth seed Cignal na bumangon mula sa pagkatalo sa  first set tungo sa 19-25, 25-19, 25-15, 25-22 tagumpay sa Petron sa ikalawang laro.

May 11 kills at apat na service ace si Danika Gendrauli upang pangunahan ang magandang team work na ipinakita ng HD Spikers. (AT)

AIZA MAIZO-FONTILLAS

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

DANIKA GENDRAULI

GRAND PRIX

LADY RISING SUNS

NESTOR PAMILAR

PASIG CITY

PATCHAREE SAENGMUANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with