MANILA, Philippines - Hindi siya inaasahang iiskor sa mahalagang bahagi ng fourth quarter.
Humugot si guard Paolo Hubalde ng siyam sa kanyang 15 points sa final canto para banderahan ang Petron Blaze sa 96-90 panalo kontra sa Barako Bull at patuloy na pangunahan ang 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Everybody pitched in. A lot of guys stepped up, even Paolo Hubalde and Jason Deutchman. But I think it’s a total team effort,†sabi ni coach Gee Abanilla sa ikaapat na sunod na arangkada ng kanyang Boosters.
Nagtala ang 6-foot-7 na si Deutchman ng 7 markers, 5 rebounds at 2 steals para sa Petron na hindi nakaasa ang serbisyo ng mga may injury na sina pointguards Alex Cabagnot (foot) at Chris Ross (hamstring) at guard Chris Lutz.
Sa likod nina Ronjay Buenafe, Mark Macapagal, Keith Jensen at Dorian Pena ay naglista ang Barako Bull ng 13-point lead, 40-27 sa second period.
Sa third quarter ay nagtuwang naman sina 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos at Marcio Lassiter para idikit ang Boosters sa pagtatapos ng third canto, 71-73.
Halos apat na minutong hindi nakaiskor ang Energy sa pagsilip ng fourth period.
Sa naturang yugto ay nagtulung-tulong sina Lassiter, Hubalde, Chico Lanete at June Mar Fajar-do para sa 78-73 bentahe ng Petron.
“The standard of expectations should not change,†ani Abanilla. “Everybody should step up. “It was a total team effort. We came in flat but we managed to keep hanging on.â€