^

PM Sports

Sinag Pilipinas kinakabahan sa Singapore

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi ang Thailand o Indonesia kungdi ang Singapore ang koponang nagpapakaba sa Sinag Pilipinas sa gagawing kampanya sa Myanmar SEA Games.

Kinumpirma kahapon ang pagsali ng nasabing bansa sa men’s basketball sa SEAG upang gawing pito ang mga maglalaban-laban para sa ginto.

Ayon kay men’s assistant coach Josh Reyes na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate, ma-lakas ang Singapore dahil tinalo nila ang mga PBA D-League teams na Café France at Hog’s Breath sa isinagawang tune-up games kamakailan.

“They also played NLEX team and lost by just ten points. After that they did a tour in China and played Chinese professional division II teams and won five of their seven games. They are a threat because we don’t know what to expect, they are unknown team right now,” wika ni Reyes na sinamahan sa forum nina team captain Kevin Alas at Matt Ganuelas.

Ang Youth Olympic Games veteran na si 6’5” Russell Love ay kasama sa Singapore team bukod pa kay 5’11” shooting guard Wei Jian Hong na beterano rin ng ASEAN Basketball League sa koponan ng Singapore Slingers.

Ang Singapore ang siyang unang laro ng National team na hawak ni Jong Uichico sa Disyembre 9. Sunod nilang asignatura ay ang Cambodia bago magpapahinga sa Disyembre 11 dahil ito ang opisyal na pagbubukas ng SEAG.

Balik-aksyon ang koponan sa Disyembre 12 laban sa Myanmar bago sundan ng pakikipagbakbakan kontra sa Thailand, Indonesia at Malaysia.

Ang champion team matapos ang single-round robin ang siyang kikilalaning kampeon.

Paborito ang Pilipinas sa kompetisyon dahil sa 18 edisyon ng SEAG ay hari ang Pinas sa 15 pagkakataon.

Noong 1989, sa Malaysia nakatikim ng natatanging pagkatalo ang Pilipinas habang noong 2005 edisyon ay hindi nakasali ang Pilipinas dahil suspindido ng FIBA. Wala namang basketball noong 2009 sa Laos.

Dalawang buwan nang nagsasanay ang koponan at walang problemang hinaharap dahil ang core players na sina Alas, Ganuelas, Garvo Lanete, Jake Pas-cual at Ronald Pascual ay kasama na sa Sinag Pilipinas habang lumalim ang koponan sa pagpasok ng mga mahuhusay na collegiate players na sina Bobby Ray Parks Jr., Kiefer Ravena, Mark Belo, Jericho Cruz, Prince Caperal at Kevin Ferrer.

Si 6’10” naturalized center Marcus Douthit ay kasama rin upang bigyan ng tibay ang puwersa sa ilalim.

“We are not discounting any team in this tournament. But we’re confident and as long as we play our game and keep everybody healthy, we will be there fighting,” dagdag ni Reyes na anak ni Gilas coach Chot Reyes.

 Aalis ngayong umaga ang team pa-Myanmar.

 

ANG SINGAPORE

ANG YOUTH OLYMPIC GAMES

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY RAY PARKS JR.

DISYEMBRE

MYANMAR

PILIPINAS

SINAG PILIPINAS

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with