^

PM Sports

May misyon ang Perlas Pilipinas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw nang isipin ng National women’s basketball team ang kabiguang inabot sa FIBA-Asia for Women sa Bangkok, Thailand noong Oktubre.

Nanalo ang Perlas sa Thailand pero natalo sa Malaysia at Indonesia para malagay lamang sa ikaapat na puwesto sa Level II.

“Mahirap sagutin kung ano ang nangyari. Hindi siguro will ni Lord. Pero ang failure na ito ang ins-pirasyon namin para sa SEA Games. Tumitingin na lamang kami sa positive side,” wika ni co-team captain Merenciana Arayi na nakasama ni Joan Grajales, National coach Haydee Ong at team manager Cynthia Tiu sa PSA Forum kahapon.

Naniniwala si Ong na mas malakas ang koponan na lalaban sa Myanmar dahil ipinasok niya ang UAAP MVP ng FEU na si Camille Sambile at ibinalik ang 3-point shooter na si Angeli Gloriani kapalit nina Lalaine Flormata at Fria Bernardo.

“Mas pinaghandaan namin ang aming transition offense. Kinuha din namin si Sambile na puwedeng pumoste at may outside shooting na kailangan namin sa 4-5  spot habang si Gloriani ay kasama sa team noong 2011 at consistent siya sa 3-point area,” ani Ong.

Nais ng koponan na higitan ang pilak na nakuha noong 2011 sa Palembang, Indonesia.

Kailangang kondisyon agad ang koponan dahil ang Malaysia ang kanilang makakabangga sa unang laro sa Disyembre 9 bago sundan ng tagisan kontra sa nagdedepensang  kampeon na Thailand sa Dis-yembre 10.

Apat na araw ang pahinga bago bumalik ang aksyon sa Disyembre 15 laban sa Indonesia. Ang huling laro ay sa Disyembre 16 laban sa Myanmar.

“Ang maganda lang ngayon ay nakita na na-min ang mga kalaban maliban sa Myanmar. Mas preparado kami ngayon,” dagdag ni Ong.

Suportado naman ni Tiu ang delegasyon at buo ang paniniwala na makukuha ang ginto sa kanyang ika-anim na taon ng pagsuporta sa koponan.

“We have veterans and new blood that will energize the team. I believe that anything that is more than five years brings stability. Dapat after five years, it will be a gold and there is no reason for setback,” mapang-hamong pahayag ni Tiu.

Ang iba pang kasapi ng koponan ay sina Mary Joy Galicia, Chovi Borja, Melissa Jacob, Analyn Almazan, Bernadette Mercado, Cindy Resulta, Cassandra Tioseco at Denise Tiu.

 

vuukle comment

ANALYN ALMAZAN

ANGELI GLORIANI

BERNADETTE MERCADO

CAMILLE SAMBILE

CASSANDRA TIOSECO

CHOVI BORJA

DISYEMBRE

MYANMAR

ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with