^

PM Sports

Hagdang Bato natisod

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagkatisod ng Hagdang Bato sa alisan ay ang pagkahubad ng korona sa Presidential Gold Cup.

Ang sumalo ng kampeonato sa 41st edisyon ng prestihiyosong karera na itinaguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginawa sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay ang dehadong Pugad Lawin na mahusay na sinakyan ng beteranong hinete na si Pat Dilema.

Agad na nalagay ang kabayong pag-aari nina Tony Tan at Jun Ferrer sa ikalawang puwesto sa alisan at sa huling kurbada ay itinuluy-tuloy  na hanggang sa meta.

Naorasan ang kabayong may lahi na Refuse To Bend at Unstoppable Lady ng 2:11 sa kuwartos na 24, 24’, 27, 28, 27’ sa 2,000-metro para maibigay sa winning connections ang P4 milyong premyo na mula sa PCSO (P3M) at Philippine Racing Commission (P1M).

“Nanalangin din tayo na manalo rito at sa awa ng Diyos binuwenas, naka-tsamba,” ani Dilema.

Ang suwerte na nakuha ng nagwaging kabayo ay nang matalisod ang Hagdang Bato na sakay ni Jonathan Hernandez na outstanding favorite sa 10 kabayong naglaban sa nakuhang P599,329.00 sales mula sa P672,606.00 total sa Daily Double.

Nakuha ng My Champ na sakay ni Fernando Raquel Jr. ang pangalawang puwesto bago sumunod ang Boss Jaden ni Jonathan Bacaycay.

Halagang P1 milyon ang nakamit ng pumangalawa.

 

BOSS JADEN

DAILY DOUBLE

FERNANDO RAQUEL JR.

HAGDANG BATO

JONATHAN BACAYCAY

JONATHAN HERNANDEZ

JUN FERRER

MY CHAMP

PAT DILEMA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with