DLSU volleybelles naka-isa na
MANILA, Philippines - Ipinakita ng nagdedepensang kampeon La Salle na taglay pa nila ang bangis ng paglalaro kasabay ng pagpaparamdam ng National University sa pagbubukas kahapon ng Season 76 UAAP volleyball sa Smart Araneta Coliseum.
Si Ara Galang ay mayroong 13 kills tungo sa 16 hits habang ang co-MVP niya sa nakaraang season na si Abigail Maraño ay may siyam na kills tungo sa 11 hits para pamunuan ang 25-17, 25-22, 25-17 tagumpay sa Adamson.
Nagsilbing puwersa sa depensa sina Mika Reyes at Kim Fajardo sa pinagsamang pitong blocks at si Fajardo ay mayroon ding 23 excellent sets.
Kontrolado ng Lady Archers ang laban matapos hawakan ang 40-33 sa kills, 13-3 bentahe sa blocks at 5-1 angat sa service ace at tapatan ang unang panalo na ginawa ng Lady Bulldogs.
Si Dindin Santiago ay mayroong 18 puntos at nakipagtulungan siya sa nakababatang kapatid na si Jaja Santiago para sa 22 sa 35 kills at kalusin ang Ateneo, 25-17, 25-22, 25-17 sa unang laro.
Isa sa ininda ng bagong bihis na Lady Eagles ay ang kawalan pa ng magandang samahan matapos ang 27 errors sa larong tumagal lamang ng isang oras at 13 minuto.
Si Alyssa Valdez ay mayroong 13 kills sa 16 hits para sa Lady Eagles na iniwan na ng mga beteranong sina Fille Cainglet, Gretchen Ho, Dzi Gervacio at Jem Ferrer nang magsipagtapos na ng pag-aaral.
Si Edjet Mabbayad na ang nakaupong head coach sa Lady Bulldogs matapos halinhinan si Francis Vicente at masaya siya sa ginawa nina 6’2†Dindin at 6’4†Jaja sa laro.
“Gumalaw sila as a team. Nagamit din nila ang kanilang height advantage,†papuri ni Mabbayad.
Si Jaja ay mayroong walong puntos na ginawa sa spikes habang si Myla Pablo ay may dalawang blocks tungo sa walo pang puntos.
- Latest