^

PM Sports

Butler hindi pinaglaro laban sa Bobcats

Pang-masa

CHARLOTTE, N.C. -- Inihayag ng Milwaukee Bucks na hindi makakalaro si reserve forward Caron But­ler laban sa Charlotte Bobcats dahilan sa namamaga ni­yang kaliwang tuhod.

Hindi ibinunyag ng Bucks ang problema ni Butler sa kanyang tuhod bago ang kanilang laro ng Bobcats.

Nagtala si Butler ng average na 13.2 points mula sa  bench para sa Bucks, minamalas sa kanilang 10 sunod na laro.

Hindi rin naglalaro para sa Bobcats si forward Michael Kidd-Gilchrist bunga ng plantar fasciitis sa kanyang kanang paa at si Jeffery Taylor ang pumalit sa kanya sa line-up ng Charlotte.

Sinabi ni Bobcats’ head coach Steve Clifford na hindi nakasama si Kidd-Gilchrist, ang 2012 No. 2 overall draft pick, sa kanilang shootaround noong umaga.

Ayon pa kay Clifford, araw-araw na oobserbahan ang kondisyon ni Kidd-Gilchrist.

Naglista si Kidd-Gilchrist ng mga averages na 9.5 points at 5.4 rebounds per game.

AYON

CARON BUT

CHARLOTTE BOBCATS

CLIFFORD

INIHAYAG

JEFFERY TAYLOR

KIDD-GILCHRIST

MICHAEL KIDD-GILCHRIST

MILWAUKEE BUCKS

STEVE CLIFFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with