Westbrook itinakas ang Thunder
OKLAHOMA CITY -- Isinalpak ni guard Russell Westbrook ang isang corner 3-pointer sa natitirang 0.1 segundo sa overtime paÂra itakas ang Oklahoma City Thunder sa 113-112 paÂnalo kontra sa Golden State Warriors.
Sinabi ni coach Scott Brooks na hindi si Westbrook ang dapat tumanggap ng bola base sa kanyang estratehiya.
Sa halip, si Kevin Durant sana ang kukuha ng boÂla para sa kanilang huÂling posesyon.
Nagmintis si Durant, ang NBA scoring leader, sa huÂling 12 segundo.
Napunta ang bola sa GolÂden State at ginamit ng mga opisyales ang replay paÂra kumpirmahin ang taÂwag ng referee.
Matapos ang review ay tuÂmalbog ang 15-foot jump shot ni Serge Ibaka at naÂhablot ni Thabo Sefolosha ang papalabas na bola para sa Thunder.
Ipinasa ni Sefolosha ang bola kay Westbrook at isiÂnalpak ang 3-pointer laban sa depensa ni Harrison Barnes.
“When he tells people about out this one, he doesn’t have to exaggerate it because there’s no bigger fish story than what he did tonight,†sabi ni Brooks kay Westbrook.
Ang nasabing tirada ni Westbrooks ay nirebisa ng mga opisyales kasunod ang paggagawad dito ng tres.
“I’m not going to tie the game,†ani Westbrook. “There’s no need to tie the game. I did the same thing in Golden State but unfortunately it didn’t work out for us.â€
Sa Toronto, tinalo ng two-time defending champions na Miami Heat ang Raptors, 90-83, para sa kaÂnilang pang-siyam na sunod na panalo.
Tumapos si LeBron James na may game-high na 27 points mula sa 10-for-17 shooting.
Sa Indianapolis, nagtaÂla si Paul George ng 23 points, habang humakot si Roy Hibbert ng 13 marÂkers at 8 rebounds para igiya ang Pacers sa 93-73 pagguÂpo laban sa Washington WiÂzards.
Nag-ambag si Lance SteÂphenson ng 7 points, 11 reÂÂbounds at 10 assists.
- Latest