PLDT-MyDSL wawalisin ang classification round
LARO NGAYON
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. PLDT-MyDSL vs Cagayan (w)
4 p.m. RC Cola vs Petron (w)
6 p.m. Systema vs Giligan’s (m)
MANILA, Philippines - Walisin ang classification round ang nakataya na laÂmang sa PLDT-MyDSL sa pagharap sa Cagayan ValÂley sa pagtatapos ng yugto sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix ngayong hapon sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
May 4-0 baraha ang tropa ni coach Roger Gorayeb at pasok na sila sa semifinals upang maging ‘no-beaÂring’ ito sa koponan.
Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang single round ay didiretso na sa semifinals at ang pahingang TMS-Army ay nakausad na rin sa 4-1 baÂraha.
Isang panalong Lady Rising Suns sa larong itiÂnakda sa ganap na alas-2 ng hapon ay magreresulta sa 3-way tie sa 4-1 baraha.
Pero ang Cagayan ang siyang may pinakamahinang quotient upang malagay ito sa quarterfinals.
Sina Kaylee Manns at Savannah Noyes ang mga kaÂkamada muli para sa Speed Boosters pero asahan ang matikas ding paglalaro ng mga locals na siyang nais na makita ni Gorayeb.
Unahan sa unang panalo ang mangyayari sa RC CoÂla at Petron sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.
Parehong may 0-4 baraha ang dalawang tropa at ang maÂnanalo ang kukuha sa ikalimang puwesto.
Walang maaalis na koponan sa yugtong ito pero ang maiiwang apat na koponan ay sasailalim sa knockout crossover quarterfinals.
Samantala, maghaharap din ang Giligan’s at Systema sa men’s division sa alas-6 ng gabi na isang knockout match.
- Latest