^

PM Sports

Seigle sasalang na

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ni head coach Norman Black na makikita na sa aksyon si 1999 PBA Rookie of the Year Danny Seigle para sa pagsagupa ng three-time champions na Talk ‘N Text sa Globalport sa Martes sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni Black na isa kina Fil-Ams Jimmy Alapag, Kelly Williams, Sean Anthony, Harvey Carey at Ali Peek ang kanilang ilalagay sa injury list para makapasok si Seigle sa line-up.

“I’m pretty sure that he will be on the line-up,” wika ni Black sa 14-year veteran na si Seigle. “But I’m not really sure who we’ll going to bring down at this moment.”

Sa patakaran ng PBA, pinapayagan lamang ang isang koponan na gumamit ng limang Fil-Ams na active players.

Sa kaso ng Tropang Texters, ang Fil-Am forward na si Rob Reyes ay nasa injury list, habang si guard Ryan Reyes ay ikinukunsiderang local player.

Inaasahan ni Black na malaki ang maitutulong ni Seigle, isang five-time Finals Most Valuable Player, sa kampanya ng Talk ‘N Text na asam ang kanilang ikaapat na sunod na PBA Philippine Cup crown.

“He’s good. Looks like he’s in pretty good shape and we’re gonna use the next three days to try to get him educated with our offense and defense and give him the chance to contribute in our team,” wika ni Black sa 6-foot-6 na si Seigle.

Ang two-time Best Player of the Conference awardee ay nagtala ng mga averages na 11.7 points, 4.6 rebounds at 1.3 assists sa 31 laro para sa Barako Bull noong nakaraang season.

ALI PEEK

BARAKO BULL

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BUT I

FIL-AMS JIMMY ALAPAG

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

HARVEY CAREY

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SEIGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with