Texters lusot sa Aces sa OT
MANILA, Philippines - Malinaw na ayaw ni Harvey Carey na siya ang ilagay ni coach Norman Black sa injury list para ipasok sa line-up ang bagong hugot na si Danny Seigle.
Umiskor ang 6-foot-4 na si Carey ng 10 sa kanyang 15 points sa fourth quarter, habang tumipa si Jayson Castro ng career-high na 33 markers para ihatid ang three-time champions na Talk ‘N Text sa 114-111 overtime win kontra sa Alaska sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Bumangon ang Tropang Texters mula sa 63-77 kabiguan sa Petron Blaze Boosters noong Sabado, habang natikman ng Aces ang kanilang ikalawang dikit na kamalasan.
Ang mintis na layup ni Alaska guard JVee Casio sa natitirang 6.6 segundo ang nagresulta sa split ni Carey para selyuhan ang tagumpay ng Talk ‘N Text.
Dinala ni Casio ang Aces sa overtime period, 103-103, matapos isalpak ang isang three-point shot sa hu-ling 22 segundo sa final canto.
Nanood naman sa likod ng bench ng Tropang Texters ang bagong hugot na si Danny Seigle.
Ayon kay coach Norman Black, hindi pa sila nakakapagdesisyon kung sino kina Fil-Ams Jimmy Alapag, Kelly Williams, Ali Peek, Sean Anthony at Carey ang kanilang ilalagay sa injury list para maipasok sa line-up si Seigle.
Sa patakaran ng liga, limang active Fil-Ams players lamang ang pinapayagan sa isang koponan.
“We haven’t decide yet on who will be place in the injury list,†wika ni Black na tiniyak nang paglalaruin ang 1999 PBA Rookie of the Year na si Seigle laban sa Globalport sa Martes.
- Latest