Marquez hindi bilib sa panalo ni Manny
MANILA, Philippines - Inasahan na ni Juan Manuel Marquez na dodominahin ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kanilang laban noong Linggo sa Macau, China.
Ayon kay Marquez, masusukat kung nakabalik na sa kanyang dating pamatay na porma si Pacquiao kung sasagupa ito sa mas matinding kalaban.
“He never gave Brandon Rios the opportunity to connect with a solid punch, so we didn’t get to see how Manny Pacquiao would react after that knockout,†sabi ni Marquez sa panayam ng BoxingScene.com ukol sa kanyang pagpapatulog kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis-yembre 8, 2012.
Sinabi ng 40-anyos na Mexican na tiyak niyang mawawala sa kanyang sarili si Pacquiao kapag nakasagupa ng isang counter puncher na kagaya niya.
“When Manny Pacquiao fights someone with speed and intelligence, someone who counters -- Manny does not know what to do or what to expect,†ani Marquez.
“Brandon Rios lacks speed and intelligence inside the ring,†wika ni Marquez sa 27-anyos na si Rios. “He is a fighter of just moves forward and punches. And if you do not bring speed with you, you are going to lose against him.â€
Sa kabila ng kanyang mga pahayag, muling iginiit ni Marquez na hindi na niya lalabanan si Pacquiao para sa kanilang pang-limang paghaharap.
- Latest