^

PM Sports

Biseng Bise nagdomina

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Biseng Bise ang lahat para sa pinakamahusay na two-year old colt sa taon matapos dominahin ang Philracom-MARHO Juvenile Colt stakes na bahagi sa 18th MARHO Racing Festival noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sumali sa 1,600-metro karera ang iba pang hinahangaan na mga colts na Mr. Bond, Young Turk River Mist at High Grader ngunit walang binatbat ang mga ito sa galing na ipinakita ng kabayong nirendahan ni jockey Mark Alvarez tungo sa ikatlong sunod na panalo.

Wire-to-wire ang pa-nalong nakuha ng tambalan at naorasan ang Biseng Bise ng 1:43.6 sa kuwarto na 26’, 24’, 25 at at 27’ para kunin din ang P430,000.00 unang gantimpala sa P800,000.00 na pinaglabanan.

Agad na inuna ni Alvarez ang dalang kabayo habang sumabay ang High Grader at  ang Mr. Bond na siyang paborito sa karera matapos pagharian ang 4th leg ng Philracom Juvenile Colts at Klub Don Juan Juvenile Colts races noong Oktubre 20 at 27, ang nasa ikatlong puwesto.

Sa back stretch ay ang Mr. Bond na hawak ni Jeff Zarate ay pumapanga-lawa na ngunit sa home stretch ay sumalo uli ang High Grader na hawak ni Antonio Alcasid Jr.

Bumigay na ang paboritong Mr. Bond, habang ang High Grader ay nakalamang  pa ng kalahating kabayo sa huling 150-metro ng karera.

Ngunit may inilabas pa ang Biseng Bise para manalo ng dalawang dipa sa High Grader. Pumangatlo ang Mr. Bond habang ang Young Turk na dala ni Jonathan Hernandez ay nalagay sa pang-apat na puwesto at nabugaw naman ang River Mist.

Ang mga dehadista na kumampi sa Biseng Bise ay nagkamit ng P437.00 sa win  habang ang 2-3 forecast ay naghatid pa ng P164.50 dibidendo.

Ang iba pang kabayo na kuminang sa iba pang stakes races na pinag-labanan ay ang The Lady Wins sa Juvenile Filly, Eu-rasian at Hot And Spicy sa SMB-MARHO 3YO Filly at Colt Mile race at Lord Of War sa Sprint race.

Tinalo ng The Lady Wins na hawak ni Pat Dilema ang Roman Charm at ang Eurasian na sakay ni Zarate ay nangibabaw sa Five Star; ang Hot And Spicy na diniskartehan ni Fernando Raquel Jr. ay nanaig sa Stand In Awe habang ang Lord Of War na diniskartehan ni Hernandez ay kuminang sa Water Shed na tumakbo kasama ang Market Value.

Si Hernandez ang winningest jockey kung ang panalo sa mga malalaking karera ang pag-uusapan dahil dalawa ang kanyang naipanalo tampok ang Classic na dinomina ng Hagdang Bato.

 

vuukle comment

ANTONIO ALCASID JR.

BISENG BISE

COLT MILE

FERNANDO RAQUEL JR.

FIVE STAR

HIGH GRADER

HOT AND SPICY

LADY WINS

LORD OF WAR

MR. BOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with