May tip si Alvarado para kay Manny
MANILA, Philippines - Sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kay slugger BranÂdon Rios ngayong umaga sa Macau, China, hahaÂrap ang Filipino boxing superstar sa isang boksingerong may isa lamang kabiguan.
At ang naturang pagkatalo ay nanggaling kay Mike AlÂvarado ng Denver, Colorado.
Kaya alam ni Alvarado at ng kanyang trainer na si Shann Vilhauer kung ano ang dapat gawin ni Pacquiao para talunin si Rios.
Tinalo ni Alvarado si Rios via unanimous decision sa kanilang rematch noong Marso.
Iyon ang unang career loss ng 27-anyos na si Rios, ipiÂnalasap din kay Alvarado ang kauna-unahan nitong kabiguan noong 2012.
“The important thing is to keep that strong mental (attitude),†wika ni Alvarado kung paano dapat labaÂnan ni Pacquiao si Rios.
“Of not giving in to his style, not giving in to going to war with him, giving in to a slugfest. Rios did that with us in the first fight and it gave him more of an opÂporÂtunity to land that big shot,†dagdag pa nito.
Nagmula si Alvarado sa isang 10th-round technical knockout loss kay Ruslan Provodnikov noong nakaraang buwan.
Nakaharap ni Alvarado ang Russian na si Provodnikov, dating sparÂmate ni Pacquiao, sa Colorado matapos makuha ni Rios ang laban kay Pacquiao.
Si Rios ay isang kilalang hard-hitting slugger at isa ring underrated boxer, ayon kay Vilhauer.
“Brandon’s a better boxer than people give him creÂdit for,†ani Vilhauer. “Problem is, he’s a Pacquiao-leÂvel fighter, but not a Pacquiao-level boxer. Pacquiao is that good.â€
“Still, Rios will get to Pacquiao. At some point, BranÂdon will touch him. He’ll walk him into hard shots,†sabi pa ng trainer ni Alvarado.
- Latest