TMS-PH Army nais magsolo
WOMEN’S W L
PLDT 2 0
TMS-PH Army 2 1
Cagayan 2 1
Cignal 1 1
Petron 0 2
RC Cola 0 2
MEN’S W L
Giligan’s 2 0
PLDT MyDSL 1 1
Systema 1 1
Maybank 0 2
Laro NGAYON
(Ynares Arena)
2 p.m. Cignal vs RC Cola (W)
4 p.m. Petron
vs TMS-PH Army (W)
6 p.m. Systema vs
Giligan’s (M)
MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ngayon ng TMS-Philippine Army na solohin ang ikalawang puwesto sa pagsukat sa Petron sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga volleyball Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Lumasap ang Lady Troopers ng di inaasa-hang 13-25, 20-25, 22-25, straight sets pagka-talo sa kamay ng PLDT MyDSL sa huling laro upang isuko ang liderato sa Speed Boosters na may 2-0 baraha.
Nakikita ni TMS-PA coach Rico de Guzman na makakabawi ang kanyang bataan upang makahulagpos sa pakikisalo sa pangalawang puwesto kasama ang pahingang Cagayan Valley.
“Beteranong team kami at alam kong makakalimutan na nila ang nangyari at magsisikap na bumawi,†wika ni de Guzman.
Hindi pa nanalo ang Blaze Spikers matapos ang dalawang laro kaya’t dapat na maging handa ang Lady Troopers sa ipakikitang laro ng katunggali.
Si Jovelyn Gonzaga ang nakikitaan ng husay sa naunang tatlong laro pero mapapadali ang hanap na panalo ng Lady Troopers kung gagana uli sina Tina Salak, MaryJean Balse, Michelle Carolino at ang mga guest players na sina Luangtonglang Wanitchaya ng Thailand at Yuki Murakoshi.
Sina Stephanie Mercado, Micmic Laborte, Gretchen Ho, Melissa Gohing at guest players Misao Tanyama at Shinako Tanaka ang mga magtutulong para sa Petron.
Unang laro sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB) sa ganap na ika-2 ng hapon ay sa hanay ng Cignal at RC Cola.
Magpipilit na umangat ang HD Spikers mula sa 1-1 baraha laban sa Raiders na hanap ang unang panalo matapos ang dalawang sunod na kabiguan.
Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang single-round elimination ay uusad sa semifinals habang ang apat na susunod ay maglalaban sa crossover quarterfinals.
Walisin ang apat na koponang men’s division ang target ng Giligan’s laban sa Systema sa hu-ling laro dakong alas-6 ng gabi.
- Latest