^

PM Sports

Leyte athletes inampon ng PSC

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabuhay uli ang pangarap  ng 27 atleta na dating  nakabase sa Leyte Sports Academy (LSA) matapos silang ampunin ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Matapos ang super typhoon na Yolanda at nakita nila na nasira ang Academy, lahat sila ay nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa kanila, sa academy. Nangangarap din kasi ang mga batang ito na maire­presenta ang Pilipinas sa malaking kompetisyon,” wika ni athletics coach Alfonco Trece Sr. na humarap sa pulong pambalitaan kahapon sa PSC administration building kahapon.

Nagkaisa ang pamunuan ng PSC sa pangunguna ni chairman Ricardo Garcia at commissioner Jolly Gomez na tulungan ang mga batang ito na may potensiyal matapos manalo sa mga isinusulong na palaro tulad ng Batang Pinoy at Philippine National Games.

Nasa Maynila na ngayon  sina Leah Creer at Feiza Jane Lenton na nagdomina sa kanilang  mga events sa Batang Pinoy at Phil. National Games  pati sa Pala-rong Pambansa.

“With the trauma they have gone through, I  hope that the PSC can help them move forward. We will be providing them with free meals, accommodation and training facilities,” wika ni Garcia.

May 90 atleta ang nasa pangangalaga ng LSA at lahat sila ay nasa pasilidad nang tumama ang super typhoon dahil may pinaghahandaan na provincial meet.

Wala namang nadisgrasya sa mga ito ngunit may isang bata na namatayan ng mga magulang at kapatid.

Inihayag pa ni LSA executive director Ruben Tamayo na ang  nalalabing 60 atleta ay nagnanais din na tumulak ng Maynila bagay na sinang-ayunan ni Garcia.

Nakarating ng Maynila ang mga bata matapos magpadala ng bus ang PSC.

Idinagdag naman ni Gomez ang planong maki-pag-ugnayan ng PSC sa Department of Education upang ayusin ang pag-aaral ng mga ito lalo na ang mga magtatapos ng high school.

ALFONCO TRECE SR.

BATANG PINOY

DEPARTMENT OF EDUCATION

FEIZA JANE LENTON

GARCIA

JOLLY GOMEZ

LEAH CREER

LEYTE SPORTS ACADEMY

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with