^

PM Sports

MyDSL nagpakitang-gilas

AT - Pang-masa

WOMEN’S           W            L

PLDT      2              0

TMS-Army          2              1

Cagayan               2              1

Cignal    1              1

RC Cola 0              2

Petron  0              2

MEN’S  W            L

Giligan’s               2              0

PLDT-MyDSL      1              1

Systema               0              1

Maybank             0              1

laro sa Sabado

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

2:00 p.m. - Cignal vs RC Cola

4:00 p.m. - Petron

vs TMS-Army

6:00 p.m. – PLDT-My DSL

vs Maybank

 

MANILA, Philippines - Hindi ang TMS-Army kungdi ang PLDT My-DSL ang siyang team-to-beat sa Philippine Super Liga Grand Prix.

Ito ang ipinakita ng Speed Boosters nang kunin ang 25-13, 25-20, 25-22, straight sets panalo sa nagdedepensang kampeon na Lady Troopers kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Muli ay sinandalan ng tropa ni coach Roger Go-rayeb ang husay nina US imports Kaylee Manns at Savannah Noyes habang si Sue Roces ay nagpasikat din upang kunin ang pangalawang sunod na panalo para sa liderato sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Bumaba ang TMS sa ikalawang puwesto sa 2-1 karta at nakatabla ang Cagayan Valley na tinalo ang baguhang RC Cola, 23-25, 25-16, 25-18, 25-12, sa ikalawang laro.

Si Yanida Kotruang ay gumawa ng 23 puntos para sa Rising Suns na nakuha ang tunay na laro sa ikalawang sets para itulak ang Raiders kasalo ng Petron sa huling puwesto sa 0-2 baraha.

“Hindi ko inasahan na sa ganitong paraan kami mananalo dahil matagal na silang magkakasama. Masaya ako dahil sila ang pinakamalakas na team para sa akin,” ani Go-rayeb.

Dinomina ng setter na si Manns ang tapatan nila ni Tina Salak nang ma-kagawa siya ng 40 excellent sets kumpara sa 19 ng huli.

Si Noyes at Roces ang tumanggap ng karamihan sa mga magagandang sets ni Manns matapos magtala ang mga ito ng 13 at 14 puntos.

Natapos ang dalawang sunod na panalo ng TMS-Army at ininda nila ang malamyang paglalaro ng mga kamador. Si Jovelyn Gonzaga lamang ang nasa kondisyon nang maka-gawa ng 10 puntos.

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

KAYLEE MANNS

LADY TROOPERS

MANNS

PASIG CITY

PETRON

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with