^

PM Sports

Makikilatisan ang PLDT-MyDSL

AT - Pang-masa

TEAM    W            L

TMS-Army          2              0

PLDT      1              0

Cagayan               1              1

Cignal    1              1

RC Cola 0              1

Petron  0              2

Laro NGAYON

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

2 p.m. – TMS

vs PLDT-MyDSL

4 p.m. – RC Cola

vs Cagayan Valley

6 p.m. – Systema vs Maybank

 

MANILA, Philippines - Masisipat ang tunay na lakas ng PLDT MyDSL sa pagharap sa nagdedepensang TMS-Philippine Army sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga Grand Prix volleyball tournament na  magpapatuloy ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ipinarada ang dala-wang US imports na nag-laro sa NCAA Division I na sina Kaylee Manns at Savannah Noyes, dinomina ng Speed Boosters ang Cignal, 25-19, 21-25, 25-21, 25-14, tungo sa u-nang panalo.

“Ang advantage namin sa ibang teams ay hindi problema ang communication sa guest players at mga locals. Maha-laga ito dahil kailangang magtulungan ang lahat kung gusto mong manalo,” wika ni PLDT My-DSL coach Roger Gorayeb.

Kung epektibo ito ay malalaman matapos ang bakbakan na magsisi-mula sa ganap na ika-2 ng hapon.

Umalagwa na sa dalawang sunod na panalo ang Lady Troopers at sakaling madugtungan ang tagumpay ay lalapit sila sa paghagip sa unang dalawang puwesto na didiretso sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Magbabalak naman ang Lady Rising Suns na bumangon matapos ang unang pagkatalo sa pagbangga sa Raiders sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang Systema at Maybank ang magsusukatan naman sa ikatlong laro dakong alas-6 ng gabi sa men’s division.

vuukle comment

ANG SYSTEMA

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

DIVISION I

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

KAYLEE MANNS

LADY RISING SUNS

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with