Hog’s Breath malinis pa rin
MANILA, Philippines - Nagpakawala ang Hog’s Breath ng 35 puntos sa ikaÂapat na yugto para gapiin ang Wang’s Basketball, 109-93 at manatiling walang talo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Mas bumangis ang koponan ni coach Caloy Garcia nang makasama na ang mga Letran players na sina Ke-vin Racal, Jonathan Belorio, Ford Ruaya at Jamil Ga-baÂwan para umangat ang RaÂzorbacks sa ikalawang puÂwesto sa 3-0 baraha.
Sina Racal at Belorio ay nagtulong sa 19 puntos sa ikalawang yugto na kung saan umiskor ng 30 ang koponan para hawaÂkan ang 56-44 bentahe sa halftime.
Lumaban pa ang Couriers at naidikit sa apat, 81-77, bago nagtulung-tuÂlong sina Jansen Rios, Bacon Austria at Paul Sanga sa 25-9 palitan upang tiÂyaÂkin ang panalo sa 103-86 iskor.
Si Rios na gumawa ng tatlong tres sa huling yugto ay mayroong 17 puntos katulad ni Sanga habang sina Racal, Philip Paniamogan, Austria at Belorio ay tumapos taglay ang 15, 14, 12 at 10 marka.
“We shot well from the perimeter, that was the key,†wika ni Garcia.
Bumangon agad ang Cagayan Valley at Blackwater Sports sa nalasap na unang pagkatalo matapos daigin ang Boracay Rum at NU-Banco de Oro sa iba pang mga laro.
Umarangkada ang Rising Suns sa 20-7 sa unang yugto para trangkuhan ang 84-54 demolisyon laban sa wala sa kondisyong Boracay Rum.
May 22 puntos si Kenneth Ighalo, habang 16 puntos at 10 board ang ibinigay ni Don Trollano para sa tropa ni coach Alvin Pua na agad na bumangon matapos matalo sa Hog’s Breath sa huling laban at tuhugin ang ikalimang panalo sa anim na laro.
Sinandalan naman ng Elite ang split ni Gio Ciriacruz sa huling 6.4 segundo bago pinagmasdan na magÂmintis si Bobby Parks, Jr. sa 3-point attempt upang maitakas ang 71-69 panalo.
Umangat ang Elite sa 3-1 baraha, habang ang NU-Banco de Oro ay natalo sa ikaapat na sunod na pagkaÂkataon dahil hindi nila napanatili ang magandang laro sa ikatlong yugto na kung saan nakalayo sila ng 12 puntos, 54-42.
- Latest