Crucis target na masikwat ang Eduardo Cojuangco, Jr. Cup
MANILA, Philippines - Palalakasin ng CruÂcis ang hangaring kÂilalanin bilang pinakaÂmaÂhusay na imported horse sa pagÂpunÂtirya sa tiÂtuÂlo sa 2013 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup ngaÂyon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Lima lamang ang kaÂbayong maglalaban-laÂban, kasama ang isang coupled entry, at inaasahang mapapaboran ang CruÂcis na dinomina ang ImÂported Stakes Race at ang Don Antonio Floirendo Golden Girls Stakes raÂces.
Si Pat Dilema pa rin ang hinete ng kabayo na magÂtatangkang manalo sa 2,000-metro distansya.
Sinahugan ang karera ng P2 milyong gantimpaÂla ng Philippine Racing ComÂmission at ang magÂkaÂkampeon ay mag-uuwi ng P1.2 milÂyong premyo.
Ang breeder ay may P60,000.00 premÂÂyo.
Ang iba pang kabaÂyong kasali ay ang Gentle IroÂny (JB Guce), Kornati Island (KE Malapira), Oh Oh Seven (JB Hernandez) at Juggling Act (FM RaÂquel, Jr) at Tritanic (JPA Guce).
Bukod sa maganda ang ipinakikita sa mga huÂling takbo, napapaboran pa ang Crucis sa handicap weight na ibinigay sa mga tatakbo.
Ang premyadong kaÂbayo na pag-aari ni daÂting Philracom commissioner Marlon Cunanan ay binigyan ng 53-kilos hanÂdicap weight tulad ng KorÂnati Island.
Mas magaan ito ng apat na peso sa mga maÂkaÂkaribal na dating kamÂpeÂon Juggling Act at GenÂtle Irony.
Ang papangalawa ay may P450,000.00 premÂyo, habang ang papangatlo ay may P250,000.00 at P100,000.00 ang papang-apat sa datingan.
Anim na iba pang kaÂrera sa 13 ang nasa progÂrama ang itinalaga bilang Philracom/Metro Turf TroÂphy Race at ito ay sinaÂhugan ng P20,000.00 na added prize.
- Latest