Kongkretong usapan
Dahil parating na ang 2014 FIBA World Cup, isyu na naman ang training period na ipagkakaloob ng PBA sa National team.
Ayon sa isang PBA board member, wala dapat isyu dahil napag-usapan na ang bagay na ito, kasama sa mga detalye na plinantsa sa training at actual participation ng Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA Asia Championships.
“Alam niya (coach Chot Reyes) na kung lulusot sila sa world, two weeks lang ang magiging training nila para doon,†saad ni PBA governor. “Sabi niya noon, ‘Ok na yan. ‘Di naman tayo mangangarap pang manalo (ng medalya) doon.â€
Ito ay bagay na sinang-ayunan ni Reyes. “We know this situation from last year that if we make Spain, there would be difficulties,†ani Reyes sa PBA Season 39 media launch sa Makati Shangri-La noong Miyerkules.
Aminado rin siyang iba na ang kanyang pananaw patungo sa Spain. “Syempre ayaw naman natin tambakan tayo ng 40 points,†aniya.
Ngunit nagparamdam na si PBA commissioner Chito Salud na hindi na sila magbabago ng schedule kung training para sa world championships ang pag-uusapan.
“Our fans are looking forward for the team to do well in Asia. But you can’t fool the fans. The fans now are exposed to global basketball. They know the strengths of our opponents out there,†saad ni Salud.
Ang kanyang punto – mag focus na lang na makamit ang supremacy sa Asia. Paulit-ulit na problema ito ng Philippine basketball. Pagkatapos ng FIBA World Cup na agad na susundan ng Asian Games sa Incheon, South Korea, nariyan na naman ang susunod na FIBA Asia Championships. ‘Di maglalaon at nariyan uli ang susunod na FIBA Asia.
Magpapahiram ba ng players ang PBA? Maglalaan ba ng training para sa National team? Ito ay mga tanong na paulit-ulit nating maririnig, unless magkaroon na ng kongkretong usapan ang PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas.
***
Nagtapos na ba ang playing career ni Danny Ildefonso?
Hanggang sinusulat ko ang kolum na ito ay di pa binibigyan ng Petron Blaze ang two-time MVP winner ng bagong kontrata. Ang siste ay mukhang wala nang balak ang Petron na paglaruin si Danny I.
At mukhang wala rin naman atang balak maglaro si Danny I sa ibang koponan.
Mukhang sabay magre-retiro sina Danny I at Danny S.
- Latest