Nakitaan ng galing ang Red Hot Water
MANILA, Philippines - Naipakita ni Jonathan Bacaycay ang kakayahan pa ng Red Hot Water na manalo nang lumabas ang kabayo bilang longshot noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Walang ipinakitang magandang takbo ang Red Hot Water sa mga nagdaang karera at kahit sa huling karera noong Nobyembre 3 sa pagdiskarte ni Bacaycay ay nalagay lamang ang tambalan sa ika-12 puwesto na ginawa sa nasabing race track.
Ngunit sa karerang nilahukan ng walong kabayo na isang Handicap Race 1-A sa 1,200-metro distansya ay lumabas ang dating pormang hinangaan sa kabayo para makapanggulat. Ang di inaasahang panalo ng Red Hot Water ay nagpasok ng P32.50 sa win habang ang forecast na 4-6 ay naghatid ng mas magandang P590.50.
Nakumpleto naman ng Seni Seviyorum ang inaasahang panalo sa kabayo nang dominahin ang special class division race one habang ang Jaden Dugo ang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nangibabaw sa walong karerang naglaban. (AT)
- Latest