^

PM Sports

Ayaw magkumpiyansa ng Cagayan Valley

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaasa si Cagayan Valley coach Alvin Pua na hindi magkakaroon ng kumpiyansa ang bataan sa pagharap sa Hog’s Breath Café sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May apat na sunod na panalo ang Rising Suns ngunit napalaban sila sa Derulo Accelero noong Lunes at masuwerting naitakas ang 104-100 panalo.

“Kulang sa consistency at depensa. Mahaba pa ang tournament at ang mga mabibigat na laban ay parating pa kaya dapat magbago ang takbo ng team,”wika ni Pua.

Ikatlong laro ito at magsisimula dakong alas-4 ng hapon at kailangang maging handa ang Cagayan dahil ikalawang panalo ang pakay ng Razorbacks sa labanan.

Napahinga rin sila ng 13 araw matapos ang 80-69 panalo sa Arellano kaya’t inaasahang puno ng enerhiya ang Hog’s Breath sa pamumuno nina ex-pro Francis Allera at Jose Rizal University gunner Philip Paniamogan na gumawa ng 25 at 21 puntos sa unang laban.

Pagsisikapan naman ng Boracay na tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo sa pagharap sa wala pang panalong NU-Banco de Oro sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali bago sundan ng tagisan ng Jumbo Plastic at Zambales M-Builders dakong alas-2 ng hapon. (AT)

ALVIN PUA

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

FRANCIS ALLERA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

PHILIP PANIAMOGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with