Gawing inspirasyon ang Gilas-- MVP
MANILA, Philippines - Hindi matatapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup.
Mismong ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Manny V. Pangilinan ang siyang nagtiyak nito matapos pangunahan ang pagtanggap ng parangal para sa koponan ng PBA Press Corps sa Annual Awards night noong Martes ng gabi sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
“The road to Spain should not stop there. We should aspire for the 2019 World Cup, the 2020 Olympics in Tokyo, if not earlier, the 2016 in Rio,†wika ni Pangilinan.
Lahat ng kasapi ng Gilas ay dumating upang tanggapin ang parangal matapos wakasan ang 35 taong paghihintay na mabalik ang Pilipinas sa World Championships.
Nalagay lamang ang koponan sa ikalawang puwesto sa FIBA Asia Men’s Championships noong Agosto sa Mall of Asia Arena sa Pasay City pero sapat ito para makakuha ng tiket sa 2014 World Cup sa Madrid, Spain.
“The World is now the stage and to be truly competitive, we need to come together again. The PBA allow the Gilas to prepare, the Press Corps, writing the story as it is and calling out those who gets in the way of National inte-rest and urging the Gilas to do better,†dagdag ni Pangilinan.
Pursigido si Pangilinan na ipagpatuloy ang laban ng Gilas para patuloy na magbigay inspirasyon sa mga Pilipino lalo pa’t pilit na itinatawid ng mga mamamayan sa Kabisa-yaan ang matinding dagok matapos tamaan ng ma-lakas na lindol at super typhoon na Yolanda.
Dumaan muna sa hirap ang koponan sa simula bago sila nagtagumpay sa huli.
“Now more than ever, the country need more stories of inspiration, stories of triumph, perseverance, bayanihan and the resi-lience of the Filipino spirit. The story of Gilas and the tragedy remind us that the despair of one touches us all. Sana kahit paano, ang kuwento ng Gilas ay ma-ging inspirasyon lalo na ng mga napinsala ng lindol at nasalanta ng bagyo. Tulad ng Gilas, kaya nating lahat bumangon. Puso! Laban Pilipinas,†pagtatapos ni Pangilinan.
Bago ang Gilas ay binigyan muna ng pagpupugay ng mga mamamahayag na kumokober sa PBA ang 1973 at 1985 National teams na nanalo ng ginto sa nasabing kompetisyon na kilala pa noon bilang Asian Basketball Confederation (ABA) Men’s Championships.
“Nagpapasalamat kami sa Press Corps dahil after 40 years ay binigyan ninyo kami ng pagkilala,†wika ni Jimmy Mariano na nakasama ni William “Bogs†Adornado na kumatawan sa kanilang grupo.
Sina Franz Pumaren, Samboy Lim, Elmer Reyes, Jerry Codinera, Alfredo Jarencio, Tonichi Yturri at Hector Calma ang kumatawan sa 1985 team na hawak noon ni Ron Jacobs at suportado ni Dan-ding Cojuangco. (AT)
- Latest