Tatapusin na ng SBC?
Laro NGAYON
(MOA Arena, Pasay City)
12:30 p.m. – CSB-LSGH vs San Beda (Game 2, Juniors)
2:30 p.m. – Letran vs
San Beda (Game 2, Seniors)
MANILA, Philippines - Magkulay pula kaya ang Mall of Asia Arena sa Pasay City sa hapong ito?
Sasagutin ang katanungang ito matapos ang kampanya ng dalawang San Beda basketball team na pakay na iuwi ang mga titulo sa seniors at juniors ng 89th NCAA basketball.
Unang sasalang ang Red Cubs na haharapin ang host CSB-LSGH sa ganap na ika-12:30 ng hapon bago sumunod ang Red Cubs kontra sa Letran dakong alas-2:30 ng hapon.
Papagitna sa dalawang larong ito ang paggawad ng individual awards sa piling manlalaro na kuminang sa taong ito.
Kinuha ng Lions ang Game One sa 80-68 matapos ang pag-arangkada sa ikaapat na yugto. Binalewala ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang anim na puntos na kalamangan ng Knights sa pagtatapos ng ikatlong yugto nang gumawa ng 33 puntos sa huling 10 minuto.
“We studied the tape of our last game and we will make some adjustments. But our game plan will remain the same and that is to play defense,†wika ni Fernandez.
Kung manalo ang Lions, makukuha nila ang ikaapat na sunod na titulo, ika-19th sa pangkahalatan at kauna-unahan kay Fernandez.
Si Baser Amer ang siyang pagkakatiwalaan ni Fernandez na pamunuan ang koponan pero dapat na makitaan ng matibay pang laro sina Ola Adeogun, Rome dela Rosa at Arthur Dela Cruz.
Ngunit ang may ma-laking papel dito ay ang kanilang bench na gumawa ng 37 puntos sa pamumuno ng 11 ni John Ludovice sa unang tagisan.
Hindi naman basta-basta isusuko ng Knights ang titulo para hindi madalawahan ng Lions sa championship.
Matatandaan na ang Knights ang tinalo ng Beda sa kampeonato noong nakaraang taon at asahan na magpapakamatay sa laban ang mga beterano na sina Raymond Almazan, Mark Cruz, Kevin Racal at Jonathan Belorio.
Ngunit dapat ding manumbalik ang sigla nina Rey Nambatac at John Tambeling na nalimitahan lamang sa apat at dalawang puntos sa unang tagisan.
Makasaysayang 20-0 sweep ang mapapasakamay ng Red Cubs kung maulit nila ang 79-68 pa-nalo sa unang tagisan. (AT)
- Latest