^

PM Sports

UAAP fencing, athletics malapit nang lumarga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbubukas ang fencing sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan at magsisimula naman ang athletics sa Dis­yembre para sa second semester ng UAAP Season 76.

Tangka ng University of the East na makaulit bilang men’s at women’s champions sa fencing na lalarga sa Nobyembre 28 sa Ateneo Blue Eagle gym para sa apat na araw na kompetisyon.

Nakopo ng UE ang huling anim na women’s titles, ha­bang winakasan ng Red Warriors ang tatlong taong pag­kauhaw noong nakaraang season para sa kanilang ika­walong titulo na siyang pinakamarami sa UAAP.

Si Justine Gail Tinio ang nanalo ng Season 75 Rookie-Most Valuable Player award sa women’s divi­sion, habang ang 16-anyos na si Nathaniel Perez sa men’s side.

Magbubukas naman ang four-day athletics meet sa Dis­yembre 5 sa  De La Salle-Dasmariñas stadium.    

Noong Season 75, na-sweep ng multi-titled Far Eas­tern University ang women’s at men’s divisions pa­ra sa ikatlong sunod na taon.    

Lalarga naman ang football sa Nobyembre 23 sa FEU-Diliman pitch, habang magsisimula ang volleyball sa Disyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.

ATENEO BLUE EAGLE

DE LA SALLE-DASMARI

FAR EAS

MAGBUBUKAS

NATHANIEL PEREZ

NOBYEMBRE

NOONG SEASON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with