TMS-Army haharap sa RC sa PSL
LARO NGAYON
(Ynares Sports Arena, Pasig City
2 p.m. PLDT
vs Cignal (women’s)
4 p.m. TMS vs RC Cola (women’s)
6 p.m. Maybank
vs Giligan’s (men’s)
MANILA, Philippines - Masusukat ang lakas ng nagÂdedepensang kampeon na TMS-Philippine Army at ng Cignal sa Philippine SuÂper Liga (PSL) Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Katunggali ng Lady TrooÂpers ang baguhang RC CoÂla na magsisimula matapos ang tipanan ng HD SpiÂkers at PLDT ngayong alas-2 ng hapon.
Ang Maybank at GiliÂgan’s ang maglalaban sa huÂling laro sa alas-6 ng gabi sa men’s division.
Babalik para sa TMS-PA ang mga sinandalan noÂong nakaraang taon na siÂna Jovelyn Gonzaga, Michelle Carolino, Tina Salak, Mary Jean Balse at Rachel Daquis.
Pinatatag ang line-up sa paghugot kay Thai open spiÂker Wanitchaya Luangtonglang at Japanese libero YuÂki Murakoshi.
Hindi makakalaro ang MVP sa unang PSL confeÂrence na si Venus Vernal paÂÂÂra sa Cignal.
Kumuha rin sila ng maÂtatangkad na guest players mula China na sina 6-foot-0 na si Xie Lei at ang 6’1 na si Li Zhan Zhan.
Hindi naman magpapaÂhuli ang Speed BoosÂters na kiÂnuha ang dating NCAA Division I players na sina 6’3 spiker Savanna NoÂyes at 5’11 setter Kaylee Manns.
- Latest