Apat na sunod sa Cagayan
MANILA, Philippines - Nakitaan uli ang Cagayan Valley ng magandang teamwork para padapain ang Derulo Accelero, 104-100, sa PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Ang mga inaasahang sina Kenneth Ighalo, Aldrian Celada, John Pinto, Don Trollano at Mark Bringas ay gumana uli para maisantabi ang magandang laro ng Oilers para manatiling nasa unahan ang Rising Suns sa ikaapat na sunod na panalo.
Si Ighalo ang namuno ngayon sa bataan ni coach Alvin Pua sa kanyang 21 puntos habang sina Celada, Pinto, Trollano at Bringas ay mayroong 19, 17, 13 at 13 puntos upang itulak ang Oilers sa ikaapat na diretsong pagkatalo.
Ang Cagayan ang natatanging napaborang koponan na nakalusot matapos matalo ang Boracay Rum at Zambales M-Builders sa naunang dalawang tagisan.
Hindi naramdaman ng Café France ang pag-akyat sa PBA nina Eluid Polig-rates at Ping Eximiniano nang kumawala ng career-high na 33 puntos si Josan Nimes para tulungan ang Bakers sa 84-80 panalo sa Waves.
Gumana rin ang mga malalaking manlalaro ng Café France na sina Mike Parala at Rod Ebondo nang magsanib sa 25 puntos at ang huli ay may 11 rebounds para upang maitabla ng tropa ni coach Edgar Macaraya ang baraha sa 2-2.
Balanseng pag-atake rin ang ginamit ng Chiefs para wakasan ang dalawang sunod na pagkatalo sa 77-73 panalo sa Zambales M-Builders.
Ang Waves ay bumaba sa ikala-wang sunod na pagkatalo matapos ang tatlong laro habang ang Builders ay nalaglag sa 2-2 karta.
- Latest