Cagayan kakapit sa pamumuno
MANILA, Philippines - Kakapit pa ang CagaÂyan Valley sa unang puÂwesto sa pagbangga sa wala pang panalong DeÂrulo Accelero sa pagpaÂpatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngaÂyon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Galing ang Rising Suns sa 92-75 dominasÂyon sa Arellano UniversiÂty noong Martes upang iangat ang malinis na karÂta sa 3-0.
Nakitaan ng galing ang mga collegiate plaÂyers tulad nina John Pinto, Ken Ighalo Michael Ma-bulac at Prince Caperal upang may makatuwang ang baguhan ding si Don Trollano.
“Malaking tulong sa team ang magandang ipinakikita ng mga collegiate players namin kaya hindi masyadong ramdam ang kakulangan sa jelling,†wiÂka ni Rising Suns assistant coach Toto Dojillo.
Ang laro ay magsisi-muÂla dakong alas-4 ng haÂpon at ang Oilers ay magÂsisikap na tapusin ang tatlong sunod na pagkatalo.
Kailangan ni coach Paolo Mendoza na ma-haÂnapan ng solusyon ang malamyang laro ng bataan na kung saan nasa 27.5 ang losing average ng koponan sa Boracay Rum at Cebuana Lhuillier.
Babangon naman ang Boracay Rum mula sa pagkatalo sa huling laro sa Café France sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ikatlong panalo sa apat na laro ang pagsisikapang tuhugin ng Zambales M-Builders sa Arellano University sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.
Sina Chris Banchero, Ken Acibar at Mark Belo ang mga mamumuno sa Waves para maisantabi ang 85-87 pagyuko sa Blackwater Sports sa huling asignatura.
- Latest