Williams naglaro sa tune-up game ng Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Bumalik na sa bansa si dating PBA Most ValuaÂble Player Kelly Williams para makasama ang Talk ‘N Text sa hangad na pang-apat na korona ng PBA Philippine Cup.
Kaagad na naglaro si Williams sa tune-up game ng Tropang Texters laban sa Air21 Express kahapon sa Hoops Center sa Mandaluyong City.
Umiskor si Williams ng 6 points sa 117-121 kaÂbiguan ng Talk ‘N Text sa Air21.
Nauna nang sumama si Williams sa training camp ng Tropang Texters sa Joe Abunassar Impact Basketball Center sa Las Vegas, Nevada.
Noong Abril ay nagtuÂngo ang 6-foot-6 na Fil-American cager sa United States para ipagamot ang kanyang immunse thrombocytopenia putpura.
Dahil dito ay hindi naÂkapaglaro si Williams paÂra sa Gilas Pilipinas na kumuha ng silver medal sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships patungo sa pagsikwat sa isa sa tatlong tiket sa 2014 FIBA World Cup na idaraos sa Spain.
Sinabi ni Williams na paÂÂtuloy pa rin ang kanyang pagpapagamot.
- Latest