1973, 1986 Nat’l Team sa PBAPC Annual Awards
MANILA, Philippines - Ang mga miyembro ng 1973 Asian Basketball Confederation squad sa pamumuno ni skipper Jimmy Mariano at ang mga miyembro ng 1986 team sa pa-ngunguna ni Samboy Lim ang magpaparangal sa Gilas-Pilipinas mainstays sa “A Banquet of Heroes†Awards Night ng PBA Press Corps sa Martes sa Wack Wack.
Si Mariano, dating University of the East Warrior, ang team captain ng Philippine Five na bumandera sa ABC event 40 taon na ang nakararaan na siyang pinakahuling pagkakataon na nag-host ang bansa bago ito gawing FIBA-Asia Championships.
Noong Agosto, pumangalawa ang Gilas-Pilipinas sa 27th Fiba-Asia at nakapasok sa World Cup na idaraos sa Spain sa 2014.
Pararangalan din sa event na nakatakda sa alas-7 ng gabi sa Banquet B ng Wack-Wack ang Coach of the Year at Executive of the Year sa nakaraang PBA season.
Ang Team PBA, pinamumunuan nina commissioner Chito Salud at dating chair Robert Non, ang inaasahang gagawaran ng Executive of the Year award na ipinangalan kay Danny Floro ng legendary Crispa team.
Iginiya nina Salud at Non ang PBA sa matagum-pay na season, habang ang mga team owners, sa pamumuno ni Talk ‘N Text at Meralco big boss Manny V. Pangilinan ay nagpahiram ng kanilang mga players sa Gilas Pilipinas Five.
Si Pangilinan ang nagpondo sa Gilas squad at inimbitahan din ang business tycoon ng PBAPC para samahan ang Nationals sa event na kung saan ang mga host ay sina Sev Sarmenta, Quinito Henson at Erika Padilla.
- Latest