Chandler paika-ikang lumabas ng court
May ilang players na hindi puwedeng mawala sa Knicks ng matagal-tagal ngayong season at isa dito ay si Tyson Chandler.
Siya ang haligi ng kanilang depensa at nagbibigay ng mahalagang pick at mahusay din siya sa roll. Ngunit malamang na hindi ito makakalaro ng ilang linggo.
Sa first quarter sa laban kontra sa Charlotte nitong Huwebes ng gabi, bumangga ang kanyang tuhod kay Kemba Walker.
Umupo siya sa bench at nilagyan ng ice ang kanyang tuhod pero di nagtagal ay inalalayan ito papasok sa locker room at paika-ika na.
Narito ang post ng New York Knicks sa Twitter: “T. Chandler injured his r. leg during the first quarter. X-rays were inclusive. A diagnosis will be given pending further testing tomorrow.â€
Bagama’t hindi naghahayag ang Knicks ng kon-disyon ng injury ng kanilang mga players, sa kaso ni Chandler, mangangailangan sila ng MRI para matukoy ang kanyang totoong kalagayan.
Puwedeng bugbog lamang na siyang inaasahan ng marami ngunit nakitang nasasaktan ng husto si Chandler na hindi maganda.
- Latest