Kidney's Magic dinomina ang 3YO Handicap Race 3
MANILA, Philippines - Magandang pagsalubong sa buwan ng Nobyembre ang naabot ng Kidney’s Magic matapos dominahin ang 3YO Handicap Race 3 noong Lunes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa ikatlong sunod na pagdadala ni AB Serios, kuminang ang kabayo sa 1,300-metro distansyang karera at dinaig ng tambalan ang bigatin ding kalaban na Mrs. Teapot na sakay ni JB Bacaycay.
Nagbigay ang win ng P28.50 na siyang pinakama-laki sa gabing dinomina ng mga liyamadong kabayo. Ang forecast na 6-3 ay mayroong P24.00 dibidendo.
Ang mga kabayong Classy And Swift at Key Boy ang mga hugandong nanalo sa gabi.
Tinalo ng Classy And Swift ang Little Ms. Hotshot sa Special Handicap Race para sa ikalawang sunod na panalo habang ang Key Boy na tumakbo kasama ang coupled entry na Spell Binder ay nangibabaw sa World Mistress sa Handicap Race 2.
Parehong naghatid ng P5.50 ang win ng dalawang kabayo.
Babalik ang aksyon sa Santa Ana Park ngayong gabi at isa sa tatakbo ay ang Young Turk sa 2YO Special Handicap Race.
Si Dominador Borbe Jr. ang didiskarte sa kabayo sa karerang ito at hanap ng tambalan na maibalik ang dating tikas ng kabayo.
Kampeon sa 2nd leg ng Philracom Juvenile Colts, ang Young Turk ay na-bigo sa tatlong sunod na stakes races na sinalihan.
Makakatunggali ng kabayong pag-aari ni Jeci Lapus ang Biseng Bise, Gold Flippers, Handsome Prince at Papaplsdontflirt sa 1,200-metro distansya.
Pitong iba pang karera ang naka-hanay na tiyak ding kakikitaan ng mainitang labanan dahil sa balanseng handicapping. (AT)
- Latest