Tiba-tiba ang mga top 3 draft picks
MANILA, Philippines - Ang mga top three picks sa 2013 PBA Rookie Draft na sina Greg Slaughter, Ian Sangalang at Raymond Almazan ay inaasahang tatanggap ng P8.5 milyon sa kanilang unang tatlong seasons sa pro league.
Sina Slaughter, ang first pick ng Barangay Ginebra at Sangalang, ang second draft selection ng San Mig Coffee ay tatanggap ng maximum allowable contract para sa isang PBA rookie.
Ito ay ang monthly pay na P150,000 sa unang taon, P225,000 sa ikalawang taon at P337.5 sa ikatlong taon.
Kumbinsido si Rain or Shine top official Mamer-to Mondragon na ang kanilang No. 3 draftee na si Almazan ay dapat ding makakuha ng naturang kontrata.
“We’ll meet Friday, but I think we can give him the maximum. It’s still within our (team sa-lary) cap,†wika ni Mondragon. “It’s going to be three years. That’s the practice of our team.â€
Inaasahan ding bibigyan ng Elasto Painters ng kontrata sina Alex Nuyles at Jeric Teng.
Si Teng, ang No. 2 pick sa second round, ay makakatanggap din ng mala-king kontrata mula sa Asian Coating Inc. franchise.
“We’ll use him in marketing programs of the company as we do with Chris Tiu,†ani Mondra-gon sa dating UST star.
Maaari namang mawala sa line-up ng Rain or Shine sina Chito Jayme at Jonathan Uyloan.
“We’ll talk to our draftees Friday,†sabi naman ni Ginebra team manager Alfrancis Chua.
Kumuha ang Alaska ng tatlong players ngunit ayon kay coach Luigi Trillo, sina Ryan Buenafe at Chris Exciminiano ang kanilang bibigyan ng kontrata.
Samantala, hangad naman ng Air21 na makuha si Denok Miranda buhat sa Barako Bull.
- Latest