^

PM Sports

Tuloy na tuloy ang NCAA Final 4

AT - Pang-masa

Laro BUKAS (Mall of Asia Arena, Pasay City)

10 a.m. – CSB/LSGH vs Mapua (Jrs. step-ladder Final 4)

12:30 p.m. – Letran vs San Sebastian (Srs. Final 4)

2::30 p.m. – San Beda vs Perpetual Help (srs Final 4)

 

MANILA, Philippines - Nagdesisyon ang NCAA Management Committee na ipagpaliban pansamantala ang imbestigasyon kay San Beda player Ryusei Koga na naglaro umano sa ibang liga habang isinasagawa ang aksyon sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Nagpulong kagabi ang MANCOM sa pangunguna ng chairman na si Dax Castellano ng host St. Benilde at minabuti nilang itigil muna ang imbestigasyon para hindi magulo ang nakatakdang Playoffs.

Hindi lamang si Koga ang iniimbestigahan dahil ang isa pang manlalaro ng Lyceum na si Jeremiah Taladua ay sinasabing lumabag din sa nasabing alituntunin ng liga.

“The Management Committee of the NCAA has looked into reports alleging that a player from San Beda College and a player from Lyceum of the Philippines played in another league while the NCAA was ongoing. To allow the teams to focus on the impending semifinals ang finals, the NCAA has decided to defer the ongoing investigation into players Ryusei Koga of SBC and Jeremiah Taladua of LPU without prejudice to its reopening should new evidence surface in the future,” wika ng statement ng ManCom.

Bago ito ay nagpahayag si San Beda team manager Jude Roque ng posibilidad na hilingin sa pamunuan ng liga na ipagpaliban ang Final Four kung mapapatunayan ang alegasyon kay Koga.

Bukas  na gagawin ang semifinals at katatampukan ito ng laro sa pagitan ng Letran at San Sebastian at San Beda kontra sa Perpetual Help sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“That is something we have to talk about with the school officials dahil hindi lamang kami ang magde-decide niyan,” wika ni Lions team manager Jude Roque na bumisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Tatlong laro na masususpindi si Koga habang ang apat na panalo ng Lions kasama ang player ay babawiin bilang parusa. Kung mangyari ito, babagsak ang Lions sa pang-apat na puwesto sa 11-7 karta at makakatapat ang Knights sa Final Four.

“Mahirap isipin kung ano ang puwedeng mangyari at kami, nalaman lamang namin na may imbestigasyon base sa mga nababasa namin. There is no communication made by the league to our school,”sabi pa ni Roque.

vuukle comment

FINAL FOUR

JEREMIAH TALADUA

JUDE ROQUE

KOGA

MALL OF ASIA ARENA

MANAGEMENT COMMITTEE

PASAY CITY

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with