^

PM Sports

Estatwa ni Russell ipinakita na sa publiko

Pang-masa

BOSTON  -- May kinilala uli na isang greatest sports champions ang Boston.



Sinaksihan ni dating Celtics star Bill Russell ang unveiling ng kanyang estatwa noong Biyernes sa City Hall Plaza. Naroroon ang mga team owners, si NBA Commissioner David Stern, Gov. Deval Patrick at Mayor Thomas Menino kasama ang mga NBA greats na sina Bill Walton, Charles Barkley at Julius Erving.



Si Russell ay lumarong sentro mula 1956 hanggang 1969 at naging player-coach ng tatlong seasons. Nang mga panahong iyon, ang Celtics ay nanalo ng 11 NBA titles.
 Iniluklok si Russell sa Basketball Hall of Fame noong 1975.

Marami ang nagsasabing matagal na dapat ibinigay kay Russell ang pagkilalang ito. Ginawaran ni President Barack Obama si Russell ng Presidential Medal of Freedom noong 2011. Ipinasilip kay Obama ang statue ng gumawang local artist nang bumisita ito sa Boston noong Miyerkules.

BASKETBALL HALL OF FAME

BILL RUSSELL

BILL WALTON

CHARLES BARKLEY

CITY HALL PLAZA

COMMISSIONER DAVID STERN

DEVAL PATRICK

JULIUS ERVING

MAYOR THOMAS MENINO

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with