Special Incentive Race pakakawalan ngayon
MANILA, Philippines - Siyam na kabayo pero walo ang opisyal na bilang ang magtatagisan sa 2013 Philracom Special Incentive Race for 2YO ngayong hapon sa Santa Ana Park sa NaÂic, Cavite.
Ang mga maglalaban-laban sa karerang inilagay sa 1,200-metro distansya ay ang Baby Smartie (JB Bacaycay), Big Deal (RO Niu Jr.), Con Te Partiro (Val DiÂlema), Jazz Goldheart (JPA Guce), Kulit Bulilit (CV Garganta), Red Flash (P Dilema) at Royal Jester (DH Borbe Jr.), Sweet Daddy’s Girl (JB Cordero) at Tobruk (JV Ponce).
An karerang ito ay itinataguyod ng Philippine RaÂcing Commission at sinahugan ng P500,000.00 premÂyo at ang mananalo ay maghahatid ng P300,000.00 unang gantimpala sa kanyang horse owner.
May P112,500.00 ang papangalawa, P62,500.00 ang papangatlo at P25,000.00 ang papang-apat.
May P15,000.00 premyo ang breeder ng mananalong kaÂbayo.
Ang Kulit Bulilit, Jazz Goldheart at coupled entries Red Flash at Royal Jester ay gagabayan ng mga baÂgong hinete.
Ang Kulit Bulilit na pumang-apat sa isang 2YO MaiÂden race noong Oktubre 10 sa pagdadala ni R. Tablizo ay gagabayan ngaÂyon ni Garganta.
Sa kabilang banda, si GuÂce ang hinete ng Jazz GoldÂheart na pumang-apat sa isang 2YO MaiÂden race sa pagdadala ni R. Tablizo habang ang Red Flash at Royal Jester na sasakyan ngayon nina DiÂlema at Borbe mula kina RR Camañero at Tablizo.
Ang Jazz Goldheart ay lalabas na may pinakamaÂgandang tiyempo sa mga kasali sa paglalabanang distansya na 1:18 sa huÂling takbo sa pista pero tiyak na bibigyan ito ng maÂgandang laban ng ibang kasali dahil sa premÂyong paglalabanan.
May kabuuang 13 kaÂrera ang magaganap ngaÂyong hapon at ang iba pang karera ay balanseng biÂnigyan ng handicaps paÂra matiyak na maganda ang katutunghayan na taÂgisan sa mga ito.
- Latest