Sa 2013 Yalin Women’s World 10-Ball event: Amit ginulat ng Taiwanese player
MANILA, Philippines - Naunsiyami ang asam ni Rubilen Amit na bandeÂrahan ang Group 7.
Ito ay matapos siyang maÂÂkalasap ng 2-6 kabiguÂan kay Ho Yun Tan ng ChiÂnese-Taipei sa 2013 YaÂlin Women’s World 10-ball Championship kaÂhapon sa Resorts World MaÂnila.
Naipanalo na ni Amit ang unang dalawang racks at handa ng kunin ang pangatlong rack nang suÂmablay siya sa paghulog sa 9-ball.
Dito na nagbago ang tumÂbok ni Amit.
Dahil dito ay tumaas ang kumpiyansa ni Ho na maipanalo ang sumunod na anim na racks na piÂnagÂlabanan.
Bunga nito, si Amit na nanalo muna kina Bi Zhu Qing ng China, Marika Poikkiokki ng Finland, Angeline Ticoalu ng IndoÂneÂsia, at ang kababaÂyang si Iris Rañola sa iisang 6-3, ay tumapos taglay ang 4-1 karta.
Ang 48 manlalaro na kaÂsali sa torneo ay hinati sa walong grupo at ang apat na mangungunang plaÂyers ay papasok sa knockout stage.
Base sa kanilang win-loss record, ikakategorya ang mga manlalaro at si Amit ay magbubukas ng kampanya sa Round-of-24 sa halip na sa mas maÂtaas na round-of-16.
Hindi naman malaÂyong si Amit, na imbitado ng organizers bilang isang dating World Champion, ang nasa knockout stage dahil masama ang paniÂmulang laro ng mga baÂtang cue artists na sina Cheska Centeno at Gillian Go na parehong may 1-2 baraha sa Groups 5 at 6, ayon sa pagkakasunod.
Hindi lang si Amit ang nabigo sa tangkang pagwalis ng limang laro dahil nakasama sa hanay si Siming Chen ng China na dinurog ni Yu Ram Cha ng Korea, 6-1.
Tumapos si Chen na bitÂÂbit ang 4-1 baraha sa Group 3, habang ang paÂnaÂlo ni Yu ang nagpalakas sa hangaring umabante sa susunod na round sa 3-2 baraha.
- Latest